Tumaas ng P2.00 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.90 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at P1.25 ang taas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo alas 6:00 ng umaga ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Petron, Shell, Seoil, PTT, Phoenix Petroleum, Flying V, Petro Gazz at Total.
Ang Chevron naman ay nauna nang nagtaas kaninang alas 12:01 ng madaling araw.
Habang ang kumpanyang Cleanfuel ay mamaya pang alas 4:01 ng hapon ang dagdag presyo.
READ NEXT
Desisyon sa ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar ilalahad ni Pangulong Duterte ngayong araw
MOST READ
LATEST STORIES