Desisyon sa ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar ilalahad ni Pangulong Duterte ngayong araw

Ngayong umaga magsasagawa ng televised public address si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para ilahad ang magiging pasya ng pamahalaan sa enhanced community quarantine na umiiral sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Sa May 15 ay nakatakdang mapaso ang ikalawang extension ng pag-iral ng ECQ.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, alas 8:00 ngayong araw ang public address ng pangulo.

Kagabi ay nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng gabinete partikular sa mga bahagi ng Inter Agency Task Force.

 

 

 

 

 

Read more...