Kaso ng COVID-19 sa Bicol, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa datos ng DOH Center for Health Development – Bicol hanggang 8:00, Lunes ng gabi (May 11), 62 na ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa nasabing rehiyon.

Sa nasabing bilang, 21 ang naka-admit sa mga ospital habang dalawang ang nakasailalim sa quarantine.

Narito ang COVID-19 cases sa mga sumusunod na lugar:
– Catanduanes – 1
– Camarines Norte – 1
– Camarines Sur – 10
– Albay – 50

Samantala, nasa 25 ang suspected cases at pito ang probable cases sa Bicol.

Nasa 35 pasyente naman sa Bicol ang naka-recover habang apat ang pumanaw dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...