TD Ambo, posibleng lumakas at maging Tropical Storm sa susunod na 24 oras – PAGASA

Posible pang lumakas at maging Tropical Storm ang Tropical Depression Ambo sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.

Batay sa severe weather bulletin bandang 11:00, Lunes ng gabi (May 11), huling namataan ang bagyo as layong 300 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 10:00 ng gabi.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Mabagal nitong tinatahak ang direksyong Hilagang Kanluran.

Sinabi ng weather bureau na posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas sa araw ng Martes.

Ayon pa sa PAGASA, sa susunod na 24 oras, magdudulot ang trough ng bagyo ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay malakas na rainshowers sa Mindanao.

Inabisuhan ang mga residente sa nasabing rehiyon ukol sa precautionary measures at patuloy na magbantay ng update sa lagay ng panahon.

Read more...