US, manghihiram lamang ng base militar sa Pilipinas

 

Niña Calleja/Inquirer

Walang balak ang Estados Unidos na magtaguyod ng mga bagong base militar sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCa na idineklarang constitutional ng Korte Suprema.

Ayon kay Admiral Harry Harris Jr., pinuno ng US Pacific Command, malinaw sa ilalim ng EDCA na pinapayagan lamang ang Amerika na makigamit ng mga military bases ng Pilipinas at hindi ang magtayo ng sarili nitong kampo sa bansa.

Sa kasalukuyan ayon kay Harris, nag-uugnayan na ang dalawang bansa upang tukuyin ang mga base militar na ipapagamit sa mga sundalong Amerikano at ang mga kinakailangang pagsasaayos ng mga imprastraktura sa mga ito.

Ang US aniya ang mangunguna sa infrastructure improvement ng mga military bases kung saan kapwa ang Pilipinas at Amerika ang makikinabang kalaunan.

Ayon naman kay US Air Force Capt. Cody Chiles, tagpagsalita ng PaCom, sakaling maipatupad ang pagsasaayos ng mga istruktura sa mga base militar na ipapagamit sa mga sundalong Amerikano, mapapalakas ang support capabilities ng dalawang sandatahan.

Read more...