‘The Big Difference’ Caloy Loyzaga, pinarangalan

 

Mula sa inquirer.net

Bagaman pumanaw na, mananatili namang buhay ang mga naiambag ni Caloy Loyzaga sa larangan ng basketball dito sa bansa.

Kaya naman pinarangalan ng Philippine Sports Writers Association (PSA) at ng Philippine Olympic Committee (POC) si Loyzaga na kilala rin sa tawag na “The Big Difference” sa kanilang awards night.

Si Loyzaga ang kauna-unahang Olympism awardee ng dalawang PSA at POC.

Sa pangunguna ng kaniyang biyudang si Vickie, tinanggap ng pamilya Loyzaga ang parangal mula kay POC president Peping Cojuangco, International Olympic Committee representative Mikee Cojuangco-Jaworski, at dating IOC representative Frank Elizalde.

Pinasalamatan ng pamilya, kabilang na ang magkakapatid na sina Chito, Joey, Princess, Teresa at Bing Loyzaga ang pamunuan ng PSA at POC sa kanilang pag-suporta sa kanilang yumaong ama.

Ayon kay Chito, naniniwala silang ang tanging nais lang ng kanilang ama ay patuloy na maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

Read more...