Hope 3 Community Caring Facility, pormal nang binuksan sa QC

Pormal nang binuksan ang Hope 3 Community Caring Facility sa Quezon City, araw ng Lunes (May 11).

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng nasabing pasilidad.

Ilalaan ang pasilidad para sa mga COVID-19 positive patient na ina na nagpapa-breastfeed sa kanilang mga anak.

Mayroon itong 84 na bed capacity at crib.

Maliban dito, mayroon ding nakahandang lactating room, nursery at iba pang kagamitan na kakailanganin ng mga nanay at mga sanggol.

Read more...