Ayon sa Phivolcs, unang naramdaman ang magnitude 4 na lindol sa 12 kilometers Southwest ng Dumingag bandang 9:42 ng gabi.
May lalim ang pagyanig na 4 kilometers.
Dahil dito, naitala ang intensity III sa kaparehong bayan.
Tumama naman ang magnitude 3.6 na lindol sa layong 10 kilometers Northwest ng Dumingag bandang 10:10 ng gabi.
3 kilometers ang lalim ng lindol.
Kapwa tectonic ang origin ng magkahiwalay na lindol.
Sinabi ng Phivolcs na walang naidulot na pagyanig ang dalawang lindol.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang magkasunod na pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES