16 pang COVID-19 cases, naitala sa Navotas City

Nadagdagan ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco base sa update hanggang 6:00, Lunes ng gabi (May 11), naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– Sipac – 6
– NBBN – 3
– Tanza 1 – 2
– NBBS Dagat-Dagatan – 1
– NBBS Proper – 1
– San Roque – 1
– Tangos North – 1
– SRV – 1

Dahil dito, umakyat na sa 80 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 42 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.

Samantala, may isang nasawi kung kaya ang bilang ng nasawi sa Navotas City bunsod ng nakakahawang sakit ay 19 na.

Tatlo namang pasyente ang gumaling dahilan kaya ang total recoveries ay 19 na.

Read more...