Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 128

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Lunes, May 11) , pumalo na sa 128 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Nanatili naman sa 20 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 39 naman ang ang bilang ng nakapagrecover na.

Ang bilang naman ng probable ay 16 habang 11 naman ang suspected.

Read more...