Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,097

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (May 11, 3:00 PM) pumalo na sa 1,097 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 234
Laguna – 326
Batangas – 121
Rizal – 343
Quezon – 73

Nasa 369 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 57 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 77
Laguna – 112
Batangas – 55
Rizal – 83
Quezon – 42

Nanatili sa 122 ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan dahil 1 ang naitalang bagong kaso ng mga pumanaw ngayong araw.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 25
Laguna – 26
Batangas – 19
Rizal – 45
Quezon – 7

Read more...