Tropical Depression Ambo, bahagyang lumakas – PAGASA

Bahagyang lumakas ang binabantayang Tropical Depression Ambo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na huling namataan ang bagyo sa layong 340 kilometers Silangang bahagai ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 3:00 ng hapon.

Taglay na aniya nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Ani Aurelio, hindi halos gumalaw ang bagyo.

Dahil dito, posible aniyang lumakas pa ang bagyo habang nasa karagatan.

Hindi pa aniya nakakaapekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Bunsod nito, wala pang itinataas na tropical cyclone wind signal sa ilang parte ng bansa.

Read more...