Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nanatili sa 1,991 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 10.
Sa nasabing bilang, 1,373 ang aktibong kaso kung saan 367 ang asymptomatic, 999 ang mild at pito ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 628
– Nurse – 753
– Nursing Assistant – 127
– Medical Technologist – 72
– Radiologic Technologist – 39
Nasa 158 naman ang non-medical staff na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.