Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 11, 2,195 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,291 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 644 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 260 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 658 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 620 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 529 naman ang kaso sa Americas at 388 sa Asia Pacific Region.