Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa San Jose, Occidental Mindoro kung saan pumalo sa 56 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.
50 degrees Celsius naman ang heat index sa Dagupan City sa kaparehong oras.
Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Science City of Muñoz – 49 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga
– Sangley Point, Cavite City – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Ambulong, Tanauan City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Dipolog City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Roxas City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.