Matindi pa rin ang init at alinsangang panahon na naranasan sa Metro Manila, araw ng Lunes (May 11).
Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 3:50 ng hapon.
Umabot naman sa 35.8 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.
Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.
MOST READ
LATEST STORIES