Bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso, libu-libong mga rosas na gawa sa LED o Light-Emitting Diode ang inilawan sa Light Rose Garden sa Hong Kong na nagsisilbing backdrop ng mga magsing-irog na namamasyal sa naturang lugar.
Ang Light Rose Garden na isang uri ng public art installation ay nagmula pa sa South Korea at dinala sa Hong Kong bilang bahagi ng world tour nito.
Aabot sa 25,000 mga LED rose na kulay puti ang inilagay sa Central and Western District Promenade sa Hong Kong at pinaiilaw tuwing gabi.
Dinadagsa ito ng mga mag-nobyo at mga mag-asawa na nais na i-celebrate ang Valentine’s Day gamit ang mga putting LED roses bilang background ng kanilang selfie photos.
Sa February 22, ay ililipat naman sa Singapore ang mga naturang rosas na gawa sa LED.