Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, bumuhos ang mga reklamo sa hotlines ng kagawaran at DSWD makaraang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P30,000 reward sa kada kumpirmadong insidente ng korupsyon ng barangay official.
Hindi aniya titigil ang pulisya sa pag-aresto sa mga tiwaling opisyal ng barangay.
“Hindi titigil ang ating kapulisan sa pagdakip sa mga mandarambong na mga barangay official na siyang talagang virus ng lipunan. These are the kinds of arrests na kating-kati gawin ng ating PNP dahil talagang gigil din sila sa mga corrupt local officials,” ani Año.
Hindi inilabas ng kalihim ang mga pangalan ng 183 barangay officials dahil patuloy pa aniya ang isinasagawang imbestigasyon.
“Madaming reklamo but we are now sorting them out to pin-point the cases that have basis, so for now, mayroon tayong 183 cases na iniimbestigahan na,” pahagay nito.
“Binabalaan ko kayo, kung nag-iisip kayo na mangulimbat ng mga tulong na para sa mga kabarangay ninyo, we will come after you,” babala pa ni Año.