Sinuri ng FDA ang brand na “BOSSING TUMADOR” Lambanog, matapos ang ulat mula sa City Health Office ng Dasmariñas na may mga nasawi sa lungsod dahil sa pag-inom nito.
Sa walong samples ng lambanog na kinulekta mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, tatlong samples ng “BOSSING TUMADOR” Lambanog ang nagtataglay ng 10.5%, 17.8% at 18.1% na methanol.
Ang methanol ay kemikal na ginagamit bilang solvent sa chemical synthesis at fuel.
Ang pag-inom ng mataas na antas nito ay delikado sa katawan ng tao.
Kaugnay nito, nagbabala ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga hindi rehistradong lambanog.