Ang bagyong Ambo ay huling namataan sa layong 340 kilometers East ng Hinatuan Surigao Del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Mabagal ang kilos nito sa direksyong pa-kanluran.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, ang ilang bahagi ng Mindanao ay apektado na ng makapal na ulap na dala ng bagong Ambo.
Sa mga susunod na oras ay lalapit sa Eastern Samar ang bagyo, pero sa Huwebes ay lalapit na ito Bicol Region.
Posibleng tawirin ng sentro ng bagyo ang Bicol Region pero dahil sa 300 kilometers ang diameter nito ay maaapektuhan din nito ang ilang bahagi ng Visayas, Southern Luzon, Northern Luzon, Central Luzon kasama na ang Metro Manila.
Wala pa namang itinataas na storm warning signals ang PAGASA dahil sa bagyo.