Disneyland sa Shanghai binuksan na muli matapos isara ng 3-buwan

Binuksan na muli ang Disneyland sa Shanghai matapos magsara ng tatlong buwan dahil sa outbreak ng coronavirus disease.

Nagpatupad ng mahigpit na health protocols sa pagbubuas ng Shanghai Park kabilang ang pagkakaroon ng social distancing, pagsusuot ng face masks ng mga papasok at pagsasagawa ng temperature screenings.

Sa labas ng parke kung saan pipila para makapasok ay pinintahan ng dilaw na squares para matiyak na susunod sa social distancing ang mga tao.

Binabaan din ang visitor capacity ng parke at 24,000 lamang ang papayagan o 30 percent na mas mabababa kaysa sa daily capacity nito.

Ayon sa Disney, umabot na sa $1.4 billion ang nalugi sa pagsasara ng Disneyland sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang dito ang sa US at France at iba pang panig ng Asya.

 

 

 

Read more...