Ito’y para maiwasan ang madalas na brown out sa lalawigan lalo na ngayong tinamaan pa ito ng lindol.
Ayon kay Zarate, simula noong Abril ay maya’t maya ang brown out sa Oriental Mindoro dahil sa system adjustments at mababawang turnout ng renewables gaya ng wind at hydro power.
Mabuti na lang anya at nareremedyuhan ito kahit paano ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) sa tulong ng Power One noong panahon ng enhanced community quarantine.
Pero ngayong ibinaba na ang lalawigan sa general community quarantine, bumalik na naman ang rotational brownouts dahil marami nang nagbukas na mga establisyimento.
Sabi ng kongresista, base sa natanggap nilang reports, kailangan ang permits at recommendations mula sa DOE at ERC para matiyak ang stable na supply ng kuryente sa lalawigan.