Deadline sa pamamahagi ng SAP hindi palalawigin ayon sa DILG

Hindi na palalawigin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Interior Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya mayroon nang 1,265 na LGUs ang nakakumpleto na sa pamamamahagi ng cash subsidy.

90.86 percent na ito sa buong bansa.

Hindi naman nangangahulugan ayon kay Malaya na dahil natapos na ang deadline ay ihihinto na ng LGUs ang pamamahagi ng tulong-pinansyal.

Ang deadline na itinakda ay sukatan lamang ng DILG sa performance ng mga LGU.

Natapos na kahapon May 10 ang deadline ng DILG pero hanggang sa ngayon ay may mga LGUs pa ang hindi natatapos sa pamimigay ng SAP.

 

Read more...