Ito ay dahil sa paglabag ng dalawa sa umiiral na enhanced community quarantine nang mag-swimming sa beach sa Barangay Basdiot sa Moalboal Cebu.
Ayon kay Senior Master Sergeant Jennelyn Awe, desk officer sa Moalboal Police Station, dinala sa presinto sina Maria Gigante at Spanish boyfriend niyang si Javier Filosa Castro.
Mula presinto ay dinala muna sa isolation center ang dalawa dahil galing sila sa Cebu City kung saan marami ang kaso ng COVID-19.
Ang bayan ng Moalboal ay may layong 89 kilometers sa Cebu City at kilala sa magagandang mga beach.
MOST READ
LATEST STORIES