Magnitude 5.8 na lindol tumama sa Ibaraki, Japan

Tumama ang magnitude 5.8 na lindol sa Ibaraki, Japan.

Ayon sa US Geological Survey, ang pagyanig ay naitala sa 49 kilometers ng Hitachi, Ibaraki.

Naitala ang lindol alas 7:58 ng umaga ng Lunes (May 11) oras sa Pilipinas.

Base naman sa datos ng Japan Meteorological Agency, ang tumamang lindol ay mayroong magnitude na 5.5.

Wala namang itinaas na tsunami warning at wala ding napaulat na pinsala ng pagyanig.

 

 

 

 

 

Read more...