Cebu City naungusan na ang Quezon City sa dami ng naitalang kaso ng COVID-19

Mas mataas na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Cebu City kumpara sa Quezon City.

Ang Cebu City ay mayroon nang 1,571 na kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 97 na panibagong kaso ng COVID-19 araw ng Linggo (May 10).

Umabot naman na sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa Cebu City.

Ang 97 bagong kaso ay mula sa Barangay Mambaling na itinuturing nang ‘hotspot’ sa COVID-19.

Mataas kasi ang populasyon sa nasabing barangay.

Mahigit 2,400 na katao pa ang nakuhanan ng swab samples ng City Health Department araw ng Linggo.

 

 

 

 

Read more...