Ayon kay Prime Minister Boris Johnson hindi pa ito ang tamang panahon para tapusin ang pag-iral ng lockdown.
Sa June 1 aniya ay maaring makapagbukas na ang ilang primary schools at magbukas na ang ilang bilihan.
Kung papayagan naman na ang flight operations sa June 1 ay magpapatupad pa rin ng quarantine measures sa mga pasaherong darating.
Ang United Kingdom na ang ikatlong bansa na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Nakapagtala na ito ng 219,183 COVID cases.
Habang pumapangalawa na ito sa US sa mayroong pinakamaraming bilang ng mga nasawi.
Umabot na sa 31,855 ang bilang ng nasawi sa UK.
MOST READ
LATEST STORIES