Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.43 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (May 11) mas mababa sa antas nito kahapon na 188.65 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.21 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.27 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.88 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.87.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Binga at San Roque dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Magat at Caliraya dams.
Samantala, nanatili naman sa 184.74 meters ang antas ng tubig sa Pantabangan dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.