Press secretary ni US VP Mike Pence nagpositibo sa COVID-19

Naka self-isolate ngayon si US Vice President Mike Pence.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang press secretary.

Noong Sabado, hindi na dumalo si Pence sa pulong kay President Donald Trump at matataas na opisyal ng militar.

Mananatili munang naka-isolate si Pence sa kaniyang bahay sa U.S. Naval Observatory sa Washington.

Nag-negatibo naman si Pence nang isailalim ito sa COVID-19 test araw ng Linggo.

 

 

Read more...