Mahigit 12,700 na OFWs naisailalim na sa COVID-19 tests

Umabot na sa 12,744 na land-based at sea-based Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naisailalim sa COVID-19 tests ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.

Isinagawa ang tests sa 195 na OFWs ay nasa mga quarantine hotel, 1,668 ay nasa cruise ships at 436 sa Palacio de Maynila.

Mananatiling naka-isolate ang mga OFW habang hinihintay ang test results nila.

Iisyuhan din sila ng quarantine clearance sa sandaling mag-negatibo sa tests.

 

 

Read more...