Mga Pinoy sa Tripoli, Libya pinag-iingat matapos magkaroon ng malalakas na pagsabog

Sumiklab muli ang kaguluhan sa Tripoli, Libya.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Libya nagkaroon ng malalakas na pagsabog at palitan ng putok simula pa noong Sabado.

Dahil dito, pinapaalalahanan ang mga Pinoy sa Tripoli na manatili lamang sa kanilang mga bahay.

Kung kakayanin naman ay mas mabuting lumikas sa ibang bahagi na malayo sa pinangyayarihan ng pagsabog at putukan.

Pinapayuhan din ang mga Pinoy na agad makipag-ugnayan sa embahada kung sila ay may pangangailangan.

 

 

 

 

 

Read more...