Bagyong Ambo lalapit sa Bicol Region; posibleng lumakas pa bilang tropical storm

Lalakas pa bilang isang tropical storm ang bagyong Ambo sa susunod na mga araw.

Ayon sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay posible ring lumapit o mag-landfall sa Bicol Region sa Huwebes o Biyernes.

Huling namataan ang Tropical Depression “Ambo” sa layong 385 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Ang trough o extension ng bagyong Ambo ay magdudulot ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa buong Mindanao ngayong araw.

 

 

 

 

Read more...