Total lockdown sa Brgy. Mauway sa Mandaluyong epektibo na

Epektibo na simula kaninang hatinggabi ang total lockdown sa isa pang barangay sa Mandaluyong City.

Simula alas 12:01 ng madaling araw (May 11) umiral na ang total lockdown sa Barangay Mauway.

Tatagal ito hanggang alas 11:59 ng gabi ng May 13.

Bago ang lockdown hinatiran ng food packs ang mga residente dahil hindi na sila papayagan pang lumabas.

Magsasagawa naman ng Rapid COVID-19 tests sa barangay.

 

 

 

 

Read more...