Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal umabot na sa 382

Nadagdagan pa ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ay umabot na sa 382 ang bilang ng mga nagpositibo kung saan 1 ang nadagdag.

Nasa 200 ang bilang ng mga active cases habang tumaas naman ang bilang ng mga nakarecover na o gumaling na sa virus.

Nadagdagan naman ng 1 ang bilang ng nasawi kaya’t umabot na ang COVID-19 related deaths sa lalawigan sa 57.

Samantala, nasa 847 naman ang bilang ng mga suspected habang 6 ang probable.

 

 

 

Read more...