Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:15 madaling araw ng Lunes, (May 11) katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang iiral sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, makakaranas ng pag-ulan ang Lanao del Norte, Misamis Occidental, Saguiaran at Kapal sa Lanao del Sur, Bislig sa Surigao del Norte sa susunod na dalawang oras.
Ayon sa weather bureau, mararamdaman ang mga pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala naman ng PAGASA sa publiko na mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
MOST READ
LATEST STORIES