Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na naging Tropical Depression ang sama ng panahon bandang 2:00, Linggo ng hapon (May 10).
Pinangalanan ang Tropical Depression na “Ambo.”
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 545 kilometers Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Ani Rojas, nagdudulot na ang trough ng bagyo ng kaulapan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao region.
Ito ang kauna-unahang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa taong 2020.