Heat index sa Science City of Muñoz at Cavite City, umabot sa 49 degrees Celsius

Nasa anim na lalawigan sa bansa ang nakaranas ng matinding init at alinsangang panahon, araw ng linggo (May 10).

Ayon sa PAGASA, kapwa naitala ang pinakamataas na heat index sa May 10 sa Science City of Muñoz at Sangley Point, Cavite City kung saan pumalo sa 49 degrees Celsius

Naramdaman ang tindi ng alinsangang panahon sa dalawang nabanggit na lugar bandang 2:00 ng hapon.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 48 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– San Jose, Occidental Mindoro – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Legazpi City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– NAIA, Pasay City – 45 degrees Celsius bandang 3:00 ng hapon

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.

Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.

Read more...