Heat index sa Quezon City, pumalo sa 43 degrees Celsius

Matinding init at alinsangang panahon ang naranasan da Metro Manila, araw ng Linggo (May 10).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 43 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 2:50 ng hapon.

Umabot naman sa 35.6 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.

Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.

Read more...