Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 10, nanatili sa 2,178 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,283 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Hindi rin nadagdagan ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 at nanatili sa 253.
Dalawa naman ang bagong gumaling dahilan para umakyat sa 642 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 651 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 616 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 523 naman ang kaso sa Americas at 388 sa Asia Pacific Region.