Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 10,794 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (May 10), 10,794 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

184 ang panibagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Sa 184 bagong naitala, 77 o 42 porsyento ay nagmula sa National Capital Region; 75 o 41 porsyento sa Region 7; at 32 o 17 porsyento mula sa iba pang mga lugar.

15 katao pa ang napaulat na nasawi kung kaya 719 na ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, 82 pasyente naman ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 1,924 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Read more...