Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thumderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:06 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos na ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Cavite, Batangas, at Rizal.

Maliban dito, maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon ang Macelelon, General Luna at Catanauan sa Quezon; Talavera, Santo Domingo, Llanera at San Jose sa Nueva Ecija.

Mararamdaman din ang pag-ulan sa Norzagaray, San Rafael, Baliuag at San Jose Del Monte sa Bulacan; Candaba sa Pampanga.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Nagpaalala rin ang PAGASA na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...