Babae, nahulog sa loob ng SM Megamall, anggulong suicide sinisilip

 

Mula sa FB

Hinihinilang nagpakamatay ang isang babae sa loob ng SM Megamall sa Mandaluyong City, ngayong gabi lamang, Valentine’s Day.

Kalat ngayon sa social media ang mga larawan ng hindi pa nakikilalang babae na nakaberdeng pantaas at shorts na nakahandusay sa lower ground ng naturang mall.

Makikita rin sa mga larawan na ipi-nost ng mga netizens ang ilang security personnel ng mall na tinatakluban ng kumot ang biktima.

Ilan sa mga nasa loob ng mall nang mangyari ang insidente ang nagsabing tumalon ito mula sa 5th floor.

Ilan naman ang nagsasabing sumampa ito sa railings sa 5th floor at nahulog.

Nagpahayag naman ng kalungkutan ang ilang mga netizens sa insidente na naganap ngayong ipinagdiriwang ang araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

Read more...