Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa New Zealand

 

 

Gumuho ang isang bahagi ng bangin matapos yanigin ng magnitude 5.8 na lindol ang Christchurch, New Zealand.

Naganap ang lindol ala-1:13 ng hapon, Linggo, oras sa New Zealand.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi, pero dahil sa lakas ng lindol, naalog ang laman ng ilang mga establisyimento at ilang malalaking sasakyan.

Nagkaroon rin ng bahagyang malalaking bitak sa lupa.

Halos limang taon na ang nakalilipas, niyanig rin ng magnitude 5.7 na lindol ang east Christchurch noong February 22, 2011 kung saan 185 katao ang namatay dahil sa mga nagbagsakang mga bato sa beach.

Karamihan sa mga naging biktima noon ay pawang mga swimmers at surfers.

Read more...