Dalawa pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Valenzuela City

Nakapagtala pa ng dalawang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela City Health Office hanggang 1:00, Linggo ng hapon (May 10), ang dalawang bagong kaso ay 39-anyos na babae at 52-anyos na babae, kaanak ng ika-100 kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Dahil dito, umakyat na sa 141 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lugar.

Tiniyak naman ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng dalawang bagong COVID-19 patients.

Read more...