Ayon sa Quezon Public Information Office hanggang 8:00, Linggo ng umaga (May 10), nananatili sa 72 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lugar.
Ito na ang ikalimang sunod na araw na walang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 32 ang naka-confine pa sa mga pagamutan.
Narito ang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na lugar sa probinsya:
– Lucena – 29
– Tayabas – 8
– Calauag – 8
– Candelaria – 6
– Unisan – 3
– Sariaya – 3
– Pagbilao – 2
– Infanta – 2
– Lopez – 4
– Lucban – 1
– Sampaloc – 1
– Tiaong – 1
– Pitogo – 1
– Real – 1
– Atimonan – 1
– Gumaca – 1
Nasa 33 naman ang total recoveries habang pito ang pumanaw bunsod ng COVID-19 pandemic.
Samantala, tatlo ang itinuturing na probable cases at 1,295 ang suspected cases.