China nag-donate ng 150,000 testing kits, 18,000 disposable overalls sa Pilipinas

Muling nag-donate ng medical supplies ang China sa Pilipinas sa gitna ng paglaban kontra COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinanggap ni Secretary Teodoro Locsin Jr. ang 150,000 testing kits at 18,000 disposable overalls mula sa gobyerno ng China.

Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang nag-abot ng donasyon kina Locsin at National Action Plan against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr.

Sinabi ng kagawaran na dumating sa Pilipinas ang 150,000 testing kits at ilan sa 18,000 disposable overalls, araw ng Sabado (May 9).

Inaasahan namang darating ang ilan pa sa 18,000 disposable overalls, Linggo ng gabi (May 10), sa pamamagitan ng chartered flight.

Read more...