Ayon kay Police Col. Allen Rae Co, director ng Baguio City Police Office (BCPO), batay sa huling datos, 26 krimen ang napaulat mula April 16 hanggang 30, 2020.
70 porsyento itong mas mababa kumpara sa 77 krimen sa kaparehong petsa noong 2019.
Aniya, malaking tulong ang pagpapatupad ng ECQ at presensya ng pulisya sa buong Baguio City para mapababa ang crime volume sa lugar.
Sinabi pa nito na importante sumunod ang publiko sa mga panuntunan para maideklara na ang general community quarantine sa lugar sa May 15.
Sakali mang maisailalim sa GCQ, sinabi ni Co na magkakaroon pa rin ng istriktong panuntunan para maiwasan ang anumang untoward incidents na posibleng makompromiso ang health situation.