Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 280,435 ang global death toll dulot ng nakakahawang sakit.
Pinakamarami pa rin naitatalang nasasawi dahil sa pandemiya ang Estados Unidos na may 80,037 deaths.
Sumunod na rito ang bansang United Kingdom na may 31,587 na bilang ng nasawi.
Nasa 30,395 naman ang COVID-19 related deaths sa Italy habang 26,478 ang death toll sa Spain.
Narito naman ang naitalang nasawi sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 26,310
– Brazil – 10,656
– Belgium – 8,581
– Germany – 7,549
– Iran – 6,589
– Netherlands – 5,422
– Canada – 4,693
– China – 4,633
– Turkey – 3,739
– Mexico – 3,353
– India – 2,101
– Switzerland – 1,830
– Russia – 1,827
– Peru – 1,814
– Saudi Arabia – 239
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,101,641 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 1,441,734 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.