Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Sangley Point, Cavite City kung saan pumalo sa 50 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.
49 degrees Celsius naman ang heat index sa Science City of Muñoz sa kaparehong oras.
Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Clark, Pampanga – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Dagupan City – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Davao City – 45 degrees Celsius bandang 3:00 ng hapon
– NAIA, Pasay City – 45 degrees Celsius bandang 3:00 ng hapon
– Zamboanga City – 45 degrees Celsius bandang 3:00 ng hapon
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.