Nasa 93 porsyento nang tapos ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mayor Isko Moreno hanggang 7:00, Sabado ng umaga (May 9), nasa kabuuang 171,961 pamilya na ang nabigyan ng tulong-pinansiyal mula sa pamahalaan.
“So more or less, may awa ang Diyos we will reach and meet the deadline of the distribution of SAP without violating the standard policy,” pahayag ng alkalde.
Tiniyak din nito na masusunod ang social distancing sa pamamahagi ng P8,000 cash aid sa mga residente ng lungsod.
Nasa kabuuang 185,000 pamilya ang inaasahang makakatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa gobyerno.
READ NEXT
BREAKING: Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 10,610; 147 ang nadagdag
MOST READ
LATEST STORIES